Saturday, March 15, 2014

Mocks Wun - Magpakatotoo ft. Tutz (Official Lyrics Video)


LYRICS

Verse1:

Makinig sa kwentong pumukaw sa damdamin ko
mahilig sa komentong nakaw at di totoo
ngalan nya ay Sendong raw yan ang dinig ko
ang bata na balang araw gustong maging idolo

magulo, palabiro madalang kung walang kibo
tsinito at simpatiko may pagkamatipuno
punong-puno ng mga pangarap ang binatilyong ito
gustong-gusto na mapansin kaya naging pilyo ito

kahit di na totoo basta maging bida sa barkada
sasabihin ni Sendong sa mga tambay sa kalsada
halos araw-raw ganito puro pakara sa tropa
minsan masamang biro ang naisip nya

pinagkalat sa buong pulo na siya ay may sakit
mga tropa nya'y gulong-gulo at di makaimik
malala na ang sakit ko dagdag na kanyang sinambit
nalungkot ang mga tropa sakanilang mga narinig

chorus:

di mo kailangan na manloko ng kapwa mo
ipakita lang ang tunay na kulay mo
nang malaman ang tanging tatanggap sa'yo kaibigan ko
maging sapat sa lahat at wag ng magpasikat
wag mong lokohin ang sarili at maging tapat
sa lahat sa pagkat sila parin ang tatanggap sa'yo kaibigan ko


Verse2:

habang siya'y nakahiga lumabas ang mga tropa
para magsiga ng mga dahon ng makopa
tila naging katulong ang mga kabarkada
sila ang naglinis at nagtapon ng basura

nagsaing para meron ding makain
bumili ng ulam kahit ang pera'y kukulangin
ano man ang naisin ni Sen ay sisikapin
na maibigay para sya ay gumaling

kinabukasan maagang nagising si Sen
ang panlolokong naumpisahan ay tuloy parin
tumayo para kunin ang kanyang telepono
para tawagan mga kaibigang matino

habang sya'y naghihintay sinubukang magpapawis
naglakad ng walang humpay tumakbo ng mabilis
di nya labis napansin ang mga tropa'y dumating
at doon nabuking sakanyang pagsisinungaling

chorus:
di mo kailangan na manloko ng kapwa mo
ipakita lang ang tunay na kulay mo
nang malaman ang tanging tatanggap sa'yo kaibigan ko
maging sapat sa lahat at wag ng magpasikat
wag mong lokohin ang sarili at maging tapat
sa lahat sa pagkat sila parin ang tatanggap sa'yo kaibigan ko

Verse3:

iniwasan ng barkada walang gustong sumama
sa mga patawad na hinirit wala man lang tumama
ang kwento na ito ay di naiiba
sa mga kwento sa libro na nakatambak sa librerya

ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat
ang importanti sa lahat sa pagmamahal to nag-ugat
kasi sapat na ang tapat na pagmamahal mo kaibigan
para maiwasan ang salitang kasinungalingan

hindi mo kailangan magsabi ng di totoo
para lamang mapansin ka sa paraan na gusto mo
bakit di mo subukan magpakatotoo
para malaman mo kung sinong totoo sa'yo

na makakatanggap sa totoong ikaw
at hindi sa pagpapanggap mo sila naging silaw
at kahit hindi perpekto basta tunay at tapat
sa mata ng mga nagmamahal sa'yo yun ay sapat

Chorus:
di mo kailangan na manloko ng kapwa mo
ipakita lang ang tunay na kulay mo
nang malaman ang tanging tatanggap sa'yo kaibigan ko
maging sapat sa lahat at wag ng magpasikat
wag mong lokohin ang sarili at maging tapat
sa lahat sa pagkat sila parin ang tatanggap sa'yo kaibigan ko

di mo kailangan na manloko ng kapwa mo
ipakita lang ang tunay na kulay mo

di mo kailangan na manloko ng kapwa mo
ipakita lang ang tunay na kulay mo
nang malaman ang tanging tatanggap sa'yo kaibigan ko
maging sapat sa lahat at wag ng magpasikat
wag mong lokohin ang sarili at maging tapat
sa lahat sa pagkat sila parin ang tatanggap sa'yo kaibigan ko

No comments:

Post a Comment