Monday, March 24, 2014

#MAGPAKATOTOO Videoshoot (Photos)

#MAGPAKATOTOO videoshoot (photos)
                                                       Mocks Wun - Magpakatotoo ft. Tutz
please click image for larger view




































Sunday, March 23, 2014

Bolthe 2 @ The Village Bar


Cavite's Finest and COLA FLAVA CLOTHING 1st Anniversary Presents
BOLTAHA 2
@ THE VILLAGE BAR (GST) in front of Salinas Market. April 5, 2014 (8:00pm)

Sunday, March 16, 2014

SNR5 - CL War March 16, 2014 @ Urban Hub Sports Bar and Resto

Performances by:
U.R.P
G.Z
Smoke Pro
Haeloe Pro
Sinio
Mocks Wun
Rapido


Battles:

Lil Chie vs Rhisick
Pilisopo vs El'Primo
Raldz vs Shady
Gboy vs Ranjit
AC Chuckie vs Mr.X
Kheivin vs Jhay'One
Jsmoke vs Kryle'G

with surprise guest!

March 16, 2014
Sunday 7:00pm
at Urban Hub Sports Bar and Resto


Sponsored by:

Redman Tattoo: 09265017443/09267056384
Von Tattoo: 09326356890
Victra
San Miguel Corp.
Uhub


Saturday, March 15, 2014

Mocks Wun - Kamusta Kaibigan

Sa ngayon ito ang huling linabas ko na kanta. marami pang kasunod kaso tamad din tumapos ng project. Itong kanta na ito ay alay ko sa mga tropa/kaibigan ko na madalang nalang kung makamusta.

Kamusta Kaibigan
Artist: Mocks Wun
Lyricists & Arranger: Mocks Wun, M1
Mix & Mastered at 045 Records
Recorded at 045 Records
This video was created by Marc Valenciano
Music produced under "United Rappers of Pampanga"

Mocks Wun - Magpakatotoo ft. Tutz (Official Lyrics Video)


LYRICS

Verse1:

Makinig sa kwentong pumukaw sa damdamin ko
mahilig sa komentong nakaw at di totoo
ngalan nya ay Sendong raw yan ang dinig ko
ang bata na balang araw gustong maging idolo

magulo, palabiro madalang kung walang kibo
tsinito at simpatiko may pagkamatipuno
punong-puno ng mga pangarap ang binatilyong ito
gustong-gusto na mapansin kaya naging pilyo ito

kahit di na totoo basta maging bida sa barkada
sasabihin ni Sendong sa mga tambay sa kalsada
halos araw-raw ganito puro pakara sa tropa
minsan masamang biro ang naisip nya

pinagkalat sa buong pulo na siya ay may sakit
mga tropa nya'y gulong-gulo at di makaimik
malala na ang sakit ko dagdag na kanyang sinambit
nalungkot ang mga tropa sakanilang mga narinig

chorus:

di mo kailangan na manloko ng kapwa mo
ipakita lang ang tunay na kulay mo
nang malaman ang tanging tatanggap sa'yo kaibigan ko
maging sapat sa lahat at wag ng magpasikat
wag mong lokohin ang sarili at maging tapat
sa lahat sa pagkat sila parin ang tatanggap sa'yo kaibigan ko


Verse2:

habang siya'y nakahiga lumabas ang mga tropa
para magsiga ng mga dahon ng makopa
tila naging katulong ang mga kabarkada
sila ang naglinis at nagtapon ng basura

nagsaing para meron ding makain
bumili ng ulam kahit ang pera'y kukulangin
ano man ang naisin ni Sen ay sisikapin
na maibigay para sya ay gumaling

kinabukasan maagang nagising si Sen
ang panlolokong naumpisahan ay tuloy parin
tumayo para kunin ang kanyang telepono
para tawagan mga kaibigang matino

habang sya'y naghihintay sinubukang magpapawis
naglakad ng walang humpay tumakbo ng mabilis
di nya labis napansin ang mga tropa'y dumating
at doon nabuking sakanyang pagsisinungaling

chorus:
di mo kailangan na manloko ng kapwa mo
ipakita lang ang tunay na kulay mo
nang malaman ang tanging tatanggap sa'yo kaibigan ko
maging sapat sa lahat at wag ng magpasikat
wag mong lokohin ang sarili at maging tapat
sa lahat sa pagkat sila parin ang tatanggap sa'yo kaibigan ko

Verse3:

iniwasan ng barkada walang gustong sumama
sa mga patawad na hinirit wala man lang tumama
ang kwento na ito ay di naiiba
sa mga kwento sa libro na nakatambak sa librerya

ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwat
ang importanti sa lahat sa pagmamahal to nag-ugat
kasi sapat na ang tapat na pagmamahal mo kaibigan
para maiwasan ang salitang kasinungalingan

hindi mo kailangan magsabi ng di totoo
para lamang mapansin ka sa paraan na gusto mo
bakit di mo subukan magpakatotoo
para malaman mo kung sinong totoo sa'yo

na makakatanggap sa totoong ikaw
at hindi sa pagpapanggap mo sila naging silaw
at kahit hindi perpekto basta tunay at tapat
sa mata ng mga nagmamahal sa'yo yun ay sapat

Chorus:
di mo kailangan na manloko ng kapwa mo
ipakita lang ang tunay na kulay mo
nang malaman ang tanging tatanggap sa'yo kaibigan ko
maging sapat sa lahat at wag ng magpasikat
wag mong lokohin ang sarili at maging tapat
sa lahat sa pagkat sila parin ang tatanggap sa'yo kaibigan ko

di mo kailangan na manloko ng kapwa mo
ipakita lang ang tunay na kulay mo

di mo kailangan na manloko ng kapwa mo
ipakita lang ang tunay na kulay mo
nang malaman ang tanging tatanggap sa'yo kaibigan ko
maging sapat sa lahat at wag ng magpasikat
wag mong lokohin ang sarili at maging tapat
sa lahat sa pagkat sila parin ang tatanggap sa'yo kaibigan ko

Mocks Wun - Pagpapakumbaba ft Verse One

Magpakatotoo Lyrics:
Verse 1:
Mocks Wun
sa pagpanik ng hagdan bawat hakbang ay yuyuko
pag ang palay lumaki yan/ ay kusang yuyuko
ang di marunong yumuko mauuntog/ yan balang araw
magkakabukol ang hambog/ sa araw ay masisilaw
na mas mataas, mas malakas at mas mainit ang sikat
wag UMAStang mataas kung mas mainit pa ang sinat
sayo isinga mo para lumabas ang init at dina mabinat
dina kumalat ang hangin na sa anit sumambulat
na sa ulo mo kaya nabalutan ka ng kapalaluan
sina ulo mo ang sarili mong kapurihan 
ang langis ng kayabangan pinahid sa katawan
pumili ka ng yayabangan yung marunong magyabang
walang agimat ang alamat nakatapat yan sa karapatdapat
kalabaw man ang balat babaon pag nasibat
ng karma na tapat ibibigay kung anong dapat
sumbat ang maririnig ng mga nag mamaangat
Chorus:
wag kang lumipad ng mataas kasi basa pa ang papak
maghintay kang lumakas para di ka bumagsak
wag kang mauna sa takbo ng kapalaran mo
ang araw ay sisikat din para sayo
Verse 2:
Mocks Wun
paano ka magiging mayaman na katulad ng negosyante
kung bilang namamasukan lantad ang pagka-arogante
di na bale kung ignorante basta alam san ang byahe
di yung alam mo kunware tapos maliligaw ka pare
para intelehente kang masabi ika'y nagmamarunong
impormasyon mo puro peke parang news sa kuratong
pagbabago ang permanente taas baba parang gulong
parang pinoy na dina komportable pagnakasuot na ng barong
kaya kung ika'y nasa taas wag kang maghangin
kahit gaano ka kataas ay bababa ka rin
wag masyadong mag angas baka mabigla ka rin
ang matapakan mo'y malakas na kaya kang baligtarin
nakaakyat kalang sa ikawalang palapag wala ka sa tore
1 point direct to the card ang dagdag di ka honor pre
pinuno ka ng mga may pantalon na tagtag di ka presidente
sa sobrang taas mo di kana makalapag, aabutin mo 
aksidente
Chorus:
wag kang lumipad ng mataas kasi basa pa ang papak
maghintay kang lumakas para di ka bumagsak
wag kang mauna sa takbo ng kapalaran mo
ang araw ay sisikat din para sayo
Verse3:
Verse One
Kung nasan man ako ngayon utang ko'to sa inyo
kayo ang nagpakinang sa lumang pangalan ko
pag ako'y kumakanta tinuturin nyo'kong tala
ang di nyo lang alam ako ay inyong tagahanga
lagi nyong sinasabi na ako'y inyong idol
idol narin daw ako ng bomba kong ka-eyeball
kayo ang maysabi nyan oo minsan ramdam ko
na ang turing nyo saakin ngayon mamahaling ginto
pero diba alam nyo na ang dating ako'y ako lang
kung sumikat salamat kung hindi deretso lang
ang gusto ko'y umawi sumulat ng kanta
kung sakaling swerte nga makasulat din ng pirma
at makasakay sa ereplanong walang papak
sumayaw kasabay ng mga tunay na palakpak
yan lang po ang sagot ko sa maraming tanong ninyo
kung nasan man ako ngayon ito'y utang ko sa inyo
Chorus:
wag kang lumipad ng mataas kasi basa pa ang papak
maghintay kang lumakas para di ka bumagsak
wag kang mauna sa takbo ng kapalaran mo
ang araw ay sisikat din para sayo (2x)

Dalagang Pilipina - Mocks Wun ft. Verse One


Para sakin, hindi naman importante kung makaluma o makabago man ang istilo ng isang babae ang mahalaga may RESPETO at alam ang salitang KUNTENTO.

DUGTUNGAN - Mocks Wun ft. Khimi of ADIKsBAND


Itong kanta ay tungkol sa isang lalaki na nagparaya sa kanyang kaibigan. Anong klaseng pagpaparaya? pakinggan nyo, magandang kwento.

Mocks Wun - Sisig Song 2013


Bagong version ng Sisig Song tapos live pa. 

Bakit ba ganyan - Mitchmerize Band ft. Mocks Wun

CICT night to kung hindi ako nagkakamali. wala na'kong maintindihan sa mga pinagsasabi ko sa stage.

Mocks Wun performing his track Hipon @ Durugan sa Gapo

Sobrang dami kong kinanta dito pero may tao parin.. ubos na lahat ng baon namin na song kaya kahit hindi ko ito kinakanta ng live kinanta ko narin. kasama ko dito yung mga emcees sa Gapo at Bataan. Salamat nga pala Kampilan sa video.

Mocks Wun & Rezzpekk Live - Dalagang Pilipina


Parang kelan lang magdadalawang taon na pala noong nagperform kami sa
Heroes HallSan FernandoPampanga marami kaming kinanta dito pero ito lang yata yung may footage.

Shao - Reyalidad ft.Mocks Wun


Isa ito sa mga paburito kong kanta, hindi dahil kasali ako. Balak ko dati na gumawa ng ganitong klase na kanta, kaya nong sinabihan ako ni Shao na ifeaturing nya daw ako sa kanta nya pagkasabi ng tema umoo agad ako.

Sa'yo lang - By Mocks Wun ft. Kimberly of ADIKsBand



Love song.. ginawa ko para sa mga nagmamahal ng tapat. Kaya ayan SA'YO LANG!

Mocks Wun - Hipon



Noong bata ako pinangarap kong gumawa ng mga nakakatawang kanta, pero pagpasok ko sa ganitong larangan ay biglang nag-iba ang gusto ko, gusto kong sinusulat halos seryoso. Isa rin ito sa mga kanta nagawa/naisulat ko na wala sa plano. ito ay tungkol sa mga babae na maganda ang katawan pero hindi masyadong kagandahan.

Mocks Wun - Sisig Song ft. Cplayah



Sisig Song, Ito ang unang kapampangan song na sinulat ko, wala sa plano o hindi ko pinagplanuhan na isusulat ang kanta na ito. bigla nalang pumasok sa isip ko nag magsusulat ako noong araw na yon. Nakakatuwa dahil Kapampangan ang pagkakasulat at kilalang masarap din ang luto ng mga kapampangan kasama na don ang sisig.

Mocks Wun Live @ Angeles City National Highschool


Mocks Wun Live @ Angeles City National Highschool





Rapido/Mocks Wun vs Lil Sisa/Hearty tha Bomb | FlipTop | Unibersikulo 2

Crazymix/Basilyo vs Mocks Wun/Verse1 | Dos Por Dos 2 | FlipTop



Rapido vs Mocks Wun | FlipTop | Ahon4



Mocks Wun vs Sparo | Aspakan | FlipTop

Mocks Wun vs Caliber | FlipTop | Hukuman

Mocks Wun Vs Third D | Gapo de Gulat 2